Saturday 31 October 2009

Used vs. Loved

I just want to share an email from a friend that will definitely teach us a lesson.

While a man was polishing his new car, his 4 yr. old son picked up a stone and scratched lines on the side of the car.
In anger, the man took the child's hand and hit it many times; not realizing he was using a wrench.
At the hospital, the child lost all his fingers due to multiple fractures.
When the child saw his father... with painful eyes he asked, 'Dad when will my fingers grow back?'

The man was so hurt and speechless; he went back to his car and kicked it a lot of times.
Devastated by his own actions...sitting in front of the car he looked at the scratches;

The child had written 'I LOVE YOU DAD'.

The next day that man committed suicide…

Anger and Love have no limits; choose the Love to have a beautiful, lovely life.
Things are to be used and people are to be loved, but the problem in today's world is that,

“People are used and things are loved.”

Let's be careful to keep this thought in mind:

"Things are to be used, but People are to be loved".



Be yourself... This is the only day we HAVE. Make it a great day!

Watch your thoughts; they become words.

Watch your words; they become actions.

Watch your actions; they become habits.

Watch your habits; they become character.

Watch your character; it becomes your destiny.

Monday 26 October 2009

Anong Nangyari?

Ano na nga ba ang nangyari, sa Blog kong napipi?
Matagal na naghilik, matagal na tumahimik.
Di alam ang dahilan ng biglaang pagtigil.

Ngunit huwag mabahala, di ito ang katapusan.
Bagkus ito ang simula ng panibagong kasaysayan.
Maraming naglalaro sa aking isipan,
Ano ang maganda, saan dapat magsimula.

Di pala biro ang blog-blogang ito.
Tiyak na hihinto pag di mo sineryoso.
Dapat tutukan at dapat bantayan,
Araw-araw na kwento ng buhay ni Juan.

Masyadong naging abala sa samut-saring gawain.
Trabaho, pamilya, potograpiya't bayanihan.
Beinte-kwatro oras kulang pa talaga naman.
Paano hahatiin, ako'y tulungan mo kaibigan.

Nais kong lumikha ng makabuluhang blog-blogan
Kung ano man ito, sana'y inyong abangan
Gaya ng sabi ko, hindi ito ang katapusan
Basta't maghintay ka lang at iyong tutukan.

Salamat na muli sa pagbisita mo kaibigan,
Sa munti kong blog na konti pa lang ang laman.
Huwag sanang magsawa at dumaan kung minsan,
Baka sakaling may mapulot na magandang aral.

Monday 10 August 2009

Let the Magic begin!

I was so busy these past few weeks, daming trabaho sa opisina na walang kabuluhan. haaaay! buhay nga naman. Feeling ko nabubulok na utak ko dahil sa mga amo ko, pero bago mahuli ang lahat kailangang kumilos na.

I joined DFS (Desert Fox Shooters) mga Propesyonal na Litratista para naman di mag stuck-up 'tong engine ko.hehehe. I was so lucky, after so many years trying to find an organization of this kind eh nakatagpo din. Tingnan mo nga naman, nasa tabi ko na pala eh di ko pa nakita. Tsk!

But anyhows, to make the story short, eto nga at isa na akong miembro ng mga Lobos. I'm so thankful to all the members who welcome me. It's so great to be a part of their family. Masaya, maraming matututunan, maraming dagdag kaalaman. At para maging kumpleto ang pagiging Lobo mo, kailangang mag-share ka rin ng talent mo. And this time, I want to share what the Lord just gave me. We will have a seminar regarding "Digital Post Processing" o pagsasaayos ng isang larawan bago pa man ito ilathala o iimprenta. Tinawag ko itong "Photoshop Cosmetics" na kung saan ang isang larawan ay kailangang linisin, pagandahin, ayusin ang kulay, at damitan para sa mas ikagaganda. Narito ang mga halimbawa ng bago at pagkatapos ng pag-eedit gamit ang makapangyarihang Photoshop. Alam kong hindi ako eksperto sa larangang ito, ganun pa man, nais ko lang ibahagi ang aking talento para sa ikasasaya ng puso ko. Kung nais ninyong matuto nito ay email nio lang ako o mag-iwan ng isang mensahe sa post na ito. Salamat at nawa'y nagustuhan ninyo.

[Photo A]------------------[Photo B]

Sunday 19 July 2009

Wednesday 15 July 2009

Swerte nga ba?

Ewan ko, bigla na lang sumagi sa isip ko, swerte nga bang matatawag ang generasyon ng mga bata ngayon? Buti pa sila, may mga tig-iisang PSP, PS3, Gameboy, Nintendo WII, Nintendo DS, Xbox, Laptop, Netbook, Ipod, MP3 & MP4 players, Mobile phones, Digital Camera, Online Gaming (specially), complete set ng Pokemon, Bakugan, Transformers, at kung anu-ano pang mga hi-end at in na mga laruan sa merkado. Nakakaingit nga ba sila?

Daddy, Mommy, nag-isip ka ba bago mo binili ang mga bagay na ito sa kanila? Ako hindi! Basta ako, gusto kong matikman ng mga anak ko ang hindi ko natikman noong bata pa ako. Noon, wala lahat ang mga iyan, tanging laruan at libangan namin ay Siyato, Tumbang-Preso, Luksong-Tinik, Patintero, Taguan, Sipa, Pikó, Holen, Gagamba, Tirador, Lutu-lutuan at bahay-bahayan (ooops! Hehehe, ako ang Tatay ha!) maligo sa ilog, maligo sa ulan at kung anu-ano pa.

Pero napag-isip-isp niyo ba na kahit ganito ang mga pampalipas oras natin noon ay bihira tayong magkasakit at nadala sa ospital? Kahit tulo ang sipon sa ilong habang naglalaro eh! sige lang enjoy naman. Nakaka-miss hindi ba? Mga bagay na hindi mo na magawa sa ngayon, dala ng bagong teknolohiya, polusyon at krimen, nawalang parang bula ang mga tunay at makabuluhang kaligayahan para sa mga anak natin at sa mga susunod na henerasyon.

Alam ba ni Jun-Jun o ni Neneng ang mga laro natin noon ha! Daddy, Mommy? Hindi na kailangan, kasi may PSP at Ipod naman siya na laging nakasukbit sa leeg at katabi matulog. Busy siya sa kaka-DOTA kahapon pa. Ayun, magdamag nagpa-party kasama ang boyfriend niya. Inisip mo ba na nagiging-adik na sila sa mga bagay na ito, halos napapabayaan ang pag-aaral sa kaka-download ng mga bagong kanta at kakapuyat na matapos ang new game at Online Gaming. Nalulong sa kung anu-anong bisyo, maagang pagbubuntis, natutong mangupit at magnakaw. Naging bastos sa mga magulang, Hindi lahat, pero marami hindi ba?

Noon, may mga kanya-kanya tayong responsibilidad, si Kuya taga-igib, si Ate taga-hain at hugas ng pinggan, ikaw taga-walis at taga-bunot. Eh ngayon, di mo halos mautusan ang mga anak mo, ikaw pa ang uutusan kamo. O hindi ba?

Eto ang mga generasyon ngayon, paano na ang mga susunod pa? Swerte nga ba sila?

Saturday 11 July 2009

The Beginning

The title "perlas na bilog" (a round pearl), but I removed the "i" since this is a blog. It was named after manang bola, a fortune teller character of Batibot (educational tv program in tagalog) whose always saying "perlas na bilog, wag patulog-tulog.ba be bi bo bu." while scratching her big pearly ball.

I designed my header like these because the pearl symbolizes the Philippines, Pearl of the Orient. I put the Philippine flag because I want to dedicate this blog to my fellow citizens and fellow ofw (overseas filipino workers).

About my cool slogan "tot ko, tot mo, bawal ang maban-tot dito." means "my thoughts, your thoughts, bad thoughts are prohibited" really makes me laughs, because if you broaden the word "mabantot" it will lead you to "fart".

It is truly fun and educational when you are in the blogosphere. you'll learn something from each story of a blogger.

it can ease your stress from work.
it can make you smile when you're feeling sad.
it can give you comfort when you're feeling alone.
it can give you strength when you're feeling weak.
it can give you fun when you're feeling bored.
it can lead you into light if you're in the dark.
it can widen your perspective if you're feeling dumb.
it can make you someone since you're the only one. lols!

so this is the beginning but it's not the ending. I hope you keep on reading for me to keep on posting. Hopia like it!

Sunday 21 June 2009

Panatang Makabayan

Isang pagbabalik-aral mula sa Klasrum ni Pajay
COURTESY OF ADRIANNE D. GUZMAN

Iniibig ko ang Pilipinas
Aking lupang sinilangan
Tahanan ng aking lahi,

Kinukupkop ako
At tinutulungan maging malakas,
masipag at marangal.

Dahil mahal ko ang Pilipinas,
Diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan:
naglilingkod, nag-aaral at nagdarasal
nang buong katapatan.

Iaalay ko ang aking buhay,
Pangarap, pagsisikap
Sa bansang Pilipinas.

Pacencia

"Hindi ito biskwit na kinakain mo. Isa itong pagtitiis na ginagawa mo, sa mga amo natin dito na kasa-kasama mo, pag 'di nakapag-timpi ay uwi ang katapat mo."


Sabi nga ng PDOS bago tayo pumunta dito, dapat ay isang sakong "Pasensiya" ang dala-dala mo. Noong una ang sabi ko, bakit kailangan mo ng isang sakong pasensiya, wala bang makakain dun?Ha!Ha!Ha! pero eto sa bandang huli, madalas kunot ang noo at pailing-iling pa. Tsk! mali pala ang PDOS, hindi sapat ang isang sakong pasensia ang dapat mong dalhin. Dapat ay siguraduhing hindi butas ang sakong dala mo, dahil pag nagkataon hindi pa tapos ang unang kontrata mo eh malamang nag-resign ka na.


Iba't-ibang lahi ang mga kasama mo, pag minalas-malas ka baka indiano pa ang maging amo mo. Hindi ko nilalahat ang salitang ito, pero halos sang-daang porsiento walang sablay 'to. Mapa-arabo, egipto, indiano, palestino, lebaneno't pakistano, pag sila ang makasama mo, tiyak na nasa paa na rin ang utak mo. lols!


Wala lang, di ko ubos maisip kung bakit ganito ang amo ko, isang Lebaneno na ubod ng gwapo. Yun nga lang sintunado, wala sa tono kung magkomento. Naknakan ng yabang, punung-puno ng kasinungalingan. Lahat alam niya, pati secret ni Tarzan, ang di niya lang alam "tawas" lang gamit ni Tarzan.

Hay! naku ano ba 'to? bakit ganito ang amo ko? Habaan mo pasensiya mo para di makalaboso.

Tuesday 16 June 2009

Saludo para sa inyo!


Kamakailan ay ginanap ang Ika-111 taong aniversaryo ng ating Kalayaan sa IPSA (Int’l. Phil. School in Al-Khobar. Bilang paggunita o pag-alala at pagpapahalaga sa ating mga bayaning binuwis ang kanilang buhay para sa ating Perlas ng Silanganan.

Halos di magkamayaw ang mga tao sa loob at labas ng paaralan. Bawat isa’y abala at may saya sa pagdiriwang na ito. Naging makabuluhang muli ang pagdiriwang sa pamumuno ni Labor Attache David Des T. Dicang sa tulong na rin ng ating Embahada, IPSA faculty and staffs, mga sponsors at mga volunteers.

Sinimulan ng paunang parada ng mga organisasyon at grupo ng mga OFW ang nasabing pagdiriwang, isa sa nakilahok ay ang COMSOFIL-EP (Computer Society of Filipinos Int'l. Inc., Eastern Province Chapter sa pamumuno ni President Ronaldo Acosta. Ang grupo ay naatasan ng dalawang komite, Ang "tabulation at documentation team". Sinundan ito ng pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas at paunang salita ng ating Labor Attache. Hindi nakadalo ang ating kagalang-galang na si Ambassador Villamor na kung saan ay ipinagdiriwang din ang ating kalayaan sa bansang Yemen. Ngunit sa kabila nito ay may inatasan siyang katiwala na ipahatid ang kanyang mensahe para sa lahat ng dumalo.

Lalong binigyang saya ang nasabing pagdiriwang sa pagsisimula ng paligsahan sa pagkanta na pinamunuan ni TFC Popstar Kimberly Molina. Mga bata, menor de edad, matanda at ubod ng tanda, lols! isama mo pa ang mga grupo ng acapella na nagbigay aliw at saya sa mga panauhin at bisita.

Nariyan din ang sari-saring paninda, mga kakaning Filipino na ubod ng sustansiya. Biko, kutsinta, kalamay at atsara, makabibili ka sa napakamurang halaga. May sago’t gulaman, puto-bumbong at iba pa, ika’y maaaliw talaga sa napakaraming paninda.

May mga pa-rapol rin na nagdagdag ng saya, mga antuking manonood ay biglang sumigla. Isang nakakaaliw na presentasyon sa grupo ng acapella, makapigil hininga yan ang hatid ng “Prime Note Ensemble”.

Isang makabagbag damdamin ang biglang umentra, isang manggagawa pala na wala ng pera. Hiningan ng tulong ang bawat isa, ‘yung bukal sa loob” yan ang sambit niya. Isa siyang operada na di na kaya bilhin at sustentuhan ang mga gamot niya. Mabuti na lamang ay nariyan ang Director ng Dossary Hospital, at sa tulong ni Ms. MJ Tupas ay nabigyang linaw at kasagutan ang problema ni Mr. Operada.

Siyempre, hindi diyan nagtatapos ang aking istorya, isang espesyal na panauhin ang siyang kumanta. Galing siya ng Pinas dati ring kilabot ng kolehiyala, magaling kumanta, Richard Reynoso pangalan niya. Umawit at nagpatawa ‘yan ang ginawa niya, bago ang parangal sa mga nanalo sa pagkanta.


Dito nagtatapos ang aking istorya, isang munting ala-ala hatid ng IPSA para sa MASA.

Monday 15 June 2009

Blog-sakan na'to!

Simulan ang pagbasa ng parang tulang nasa dyaryo, tiyak na makukuha ang nilalaman nito.
Tawagin mo na lang akong Jon D’ Mango (pero hindi ako kapatid ni Joe). Pangalang binansag sa akin, yan ang gamit ko. Hindi rin ito istasyon ng radyo na kung saan pag-ibig ang hatid nito. Ako’y isang OFW sa bansang Arabo, inspirasyon ang kaibigan sa paglikha ng blog na ito.
Hindi ako manunulat ako’y isa lamang katoto, na ibig maghatid ng saya at kwentong totoo. Mga istorya ng buhay saan man sulok ng mundo, mga kapwa ko OFW o kahit na sinong tao.Ihanda ang iyong kuru-kuro o ang pamatay na komento, bawal ang pikon dito, “wholesome” ang Blog na ito. Lahat ay “open” dito wag lang kwentong barbero’t kutsero.
Kaya’t tayo na! Ano pang hinihintay mo, simulan ang pagbasa at magbigay ng iyong komento. Sariling kwento mo ibahagi sa buong mundo, mapa-komedi o drama o aksyon man ito.
Isang taos-pusong pasasalamat sa iyong pagdalo, nawa’y ika’y maaliw, at may mapulot na aral sa paglisan mo.