Monday 10 August 2009

Let the Magic begin!

I was so busy these past few weeks, daming trabaho sa opisina na walang kabuluhan. haaaay! buhay nga naman. Feeling ko nabubulok na utak ko dahil sa mga amo ko, pero bago mahuli ang lahat kailangang kumilos na.

I joined DFS (Desert Fox Shooters) mga Propesyonal na Litratista para naman di mag stuck-up 'tong engine ko.hehehe. I was so lucky, after so many years trying to find an organization of this kind eh nakatagpo din. Tingnan mo nga naman, nasa tabi ko na pala eh di ko pa nakita. Tsk!

But anyhows, to make the story short, eto nga at isa na akong miembro ng mga Lobos. I'm so thankful to all the members who welcome me. It's so great to be a part of their family. Masaya, maraming matututunan, maraming dagdag kaalaman. At para maging kumpleto ang pagiging Lobo mo, kailangang mag-share ka rin ng talent mo. And this time, I want to share what the Lord just gave me. We will have a seminar regarding "Digital Post Processing" o pagsasaayos ng isang larawan bago pa man ito ilathala o iimprenta. Tinawag ko itong "Photoshop Cosmetics" na kung saan ang isang larawan ay kailangang linisin, pagandahin, ayusin ang kulay, at damitan para sa mas ikagaganda. Narito ang mga halimbawa ng bago at pagkatapos ng pag-eedit gamit ang makapangyarihang Photoshop. Alam kong hindi ako eksperto sa larangang ito, ganun pa man, nais ko lang ibahagi ang aking talento para sa ikasasaya ng puso ko. Kung nais ninyong matuto nito ay email nio lang ako o mag-iwan ng isang mensahe sa post na ito. Salamat at nawa'y nagustuhan ninyo.

[Photo A]------------------[Photo B]

4 comments:

  1. oo na miss ka nga namin eh. well, puede ba akung mag join sa DFS kahit wala pa yung unit ko ? but comimg very soon. usap tyo regarding that salamat po.

    ReplyDelete
  2. oi, baka pwede mo akong mas pagwapuhin pa dyan. heheheh. Seriously, thanks for sharing your talent. Thanks for being so kind to PEBA and KABLOGS.

    ReplyDelete
  3. Welcome to the DFS Family Bro. In behalf of the Lobos I would like to thank you for the very informative & inspirational talk este Post Processing technique pala last BS dami kong natutunan, it opened a completely new avenue for me hehehe. Proud to have you and your family on board! Keep it Up

    ReplyDelete
  4. Jon,

    Gusto ko yan. Isesend ko sa u lahat ng photos ko tapos gawin mo akong bente y cinco aƱos! Yun kasi ang lagi kong sinasabi pag may nagtatanong kung ano'ng edad ko. Ayaw kasi nilang maniwala na 32 na ako.

    (Pregnant pause...)

    Impressive ung ginawa mo dun sa mga photos. Congrats.

    ReplyDelete