Tuesday, 16 June 2009

Saludo para sa inyo!


Kamakailan ay ginanap ang Ika-111 taong aniversaryo ng ating Kalayaan sa IPSA (Int’l. Phil. School in Al-Khobar. Bilang paggunita o pag-alala at pagpapahalaga sa ating mga bayaning binuwis ang kanilang buhay para sa ating Perlas ng Silanganan.

Halos di magkamayaw ang mga tao sa loob at labas ng paaralan. Bawat isa’y abala at may saya sa pagdiriwang na ito. Naging makabuluhang muli ang pagdiriwang sa pamumuno ni Labor Attache David Des T. Dicang sa tulong na rin ng ating Embahada, IPSA faculty and staffs, mga sponsors at mga volunteers.

Sinimulan ng paunang parada ng mga organisasyon at grupo ng mga OFW ang nasabing pagdiriwang, isa sa nakilahok ay ang COMSOFIL-EP (Computer Society of Filipinos Int'l. Inc., Eastern Province Chapter sa pamumuno ni President Ronaldo Acosta. Ang grupo ay naatasan ng dalawang komite, Ang "tabulation at documentation team". Sinundan ito ng pagkanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas at paunang salita ng ating Labor Attache. Hindi nakadalo ang ating kagalang-galang na si Ambassador Villamor na kung saan ay ipinagdiriwang din ang ating kalayaan sa bansang Yemen. Ngunit sa kabila nito ay may inatasan siyang katiwala na ipahatid ang kanyang mensahe para sa lahat ng dumalo.

Lalong binigyang saya ang nasabing pagdiriwang sa pagsisimula ng paligsahan sa pagkanta na pinamunuan ni TFC Popstar Kimberly Molina. Mga bata, menor de edad, matanda at ubod ng tanda, lols! isama mo pa ang mga grupo ng acapella na nagbigay aliw at saya sa mga panauhin at bisita.

Nariyan din ang sari-saring paninda, mga kakaning Filipino na ubod ng sustansiya. Biko, kutsinta, kalamay at atsara, makabibili ka sa napakamurang halaga. May sago’t gulaman, puto-bumbong at iba pa, ika’y maaaliw talaga sa napakaraming paninda.

May mga pa-rapol rin na nagdagdag ng saya, mga antuking manonood ay biglang sumigla. Isang nakakaaliw na presentasyon sa grupo ng acapella, makapigil hininga yan ang hatid ng “Prime Note Ensemble”.

Isang makabagbag damdamin ang biglang umentra, isang manggagawa pala na wala ng pera. Hiningan ng tulong ang bawat isa, ‘yung bukal sa loob” yan ang sambit niya. Isa siyang operada na di na kaya bilhin at sustentuhan ang mga gamot niya. Mabuti na lamang ay nariyan ang Director ng Dossary Hospital, at sa tulong ni Ms. MJ Tupas ay nabigyang linaw at kasagutan ang problema ni Mr. Operada.

Siyempre, hindi diyan nagtatapos ang aking istorya, isang espesyal na panauhin ang siyang kumanta. Galing siya ng Pinas dati ring kilabot ng kolehiyala, magaling kumanta, Richard Reynoso pangalan niya. Umawit at nagpatawa ‘yan ang ginawa niya, bago ang parangal sa mga nanalo sa pagkanta.


Dito nagtatapos ang aking istorya, isang munting ala-ala hatid ng IPSA para sa MASA.

5 comments:

  1. wala akong masabi kundi mahusay ka talaga!!!!!!!!!!daddy....i love you

    ReplyDelete
  2. hehe, this is wonderful! As a neophyte in Blogging as one of the PEBA incorporator, talagang maipapakita mo dito ang talent mo sa graphics, website editing at kakwelahan. Welcome sa Kablogs, I asked the great guys to add you there, as well as add your Link in PEBA for displaying the SUPPORT BANNER.

    Salamat Jon!

    ReplyDelete
  3. Uy! Ito na pala ang blog mo ha. Welcome sa blogosphere!

    Di kami nakapunta sa ipsa last friday although isa ang DFS group sa mga official photographer, nasabay kasi sa catering ko.

    ReplyDelete
  4. astig sa header ah...maligayang pagbablog parekoy...add kita sa blogroll ko..

    babalik ako dito...kampay!..

    ReplyDelete
  5. Ang liit ng mundo. Kaibigan ko si Ronald Acosta. Kasamahan ko siya sa trabaho dati. Nagkita kami dalawang beses na dito sa KSA pero naguusap naman kami every now and then.

    Please send my regards to him.

    ReplyDelete