Monday, 15 June 2009

Blog-sakan na'to!

Simulan ang pagbasa ng parang tulang nasa dyaryo, tiyak na makukuha ang nilalaman nito.
Tawagin mo na lang akong Jon D’ Mango (pero hindi ako kapatid ni Joe). Pangalang binansag sa akin, yan ang gamit ko. Hindi rin ito istasyon ng radyo na kung saan pag-ibig ang hatid nito. Ako’y isang OFW sa bansang Arabo, inspirasyon ang kaibigan sa paglikha ng blog na ito.
Hindi ako manunulat ako’y isa lamang katoto, na ibig maghatid ng saya at kwentong totoo. Mga istorya ng buhay saan man sulok ng mundo, mga kapwa ko OFW o kahit na sinong tao.Ihanda ang iyong kuru-kuro o ang pamatay na komento, bawal ang pikon dito, “wholesome” ang Blog na ito. Lahat ay “open” dito wag lang kwentong barbero’t kutsero.
Kaya’t tayo na! Ano pang hinihintay mo, simulan ang pagbasa at magbigay ng iyong komento. Sariling kwento mo ibahagi sa buong mundo, mapa-komedi o drama o aksyon man ito.
Isang taos-pusong pasasalamat sa iyong pagdalo, nawa’y ika’y maaliw, at may mapulot na aral sa paglisan mo.

4 comments:

  1. ang kulet nito. hahaha! ayos na ayos ang intro.

    ReplyDelete
  2. haha, akala ko ba ang title eh, B'LAG ANG MUNDO? WELCOME TO THE WORLD OF BLOGGING!!!

    ReplyDelete
  3. Uy, mabuti naman at nadito na ang blog mo. Katuwa naman ang iyong unang post. Matalinhaga.

    Aabangan ko ang iyong mga sulat. Welcome, kapatid.

    ReplyDelete
  4. kahit hindi ka manunulat ang galing ng blog mo. kaya tuloy napahanga mo ako. keep up the good work.

    ReplyDelete