Ewan ko, bigla na lang sumagi sa isip ko, swerte nga bang matatawag ang generasyon ng mga bata ngayon? Buti pa sila, may mga tig-iisang PSP, PS3, Gameboy, Nintendo WII, Nintendo DS, Xbox, Laptop, Netbook, Ipod, MP3 & MP4 players, Mobile phones, Digital Camera, Online Gaming (specially), complete set ng Pokemon, Bakugan, Transformers, at kung anu-ano pang mga hi-end at in na mga laruan sa merkado. Nakakaingit nga ba sila?
Daddy, Mommy, nag-isip ka ba bago mo binili ang mga bagay na ito sa kanila? Ako hindi! Basta ako, gusto kong matikman ng mga anak ko ang hindi ko natikman noong bata pa ako. Noon, wala lahat ang mga iyan, tanging laruan at libangan namin ay Siyato, Tumbang-Preso, Luksong-Tinik, Patintero, Taguan, Sipa, Pikó, Holen, Gagamba, Tirador, Lutu-lutuan at bahay-bahayan (ooops! Hehehe, ako ang Tatay ha!) maligo sa ilog, maligo sa ulan at kung anu-ano pa.
Pero napag-isip-isp niyo ba na kahit ganito ang mga pampalipas oras natin noon ay bihira tayong magkasakit at nadala sa ospital? Kahit tulo ang sipon sa ilong habang naglalaro eh! sige lang enjoy naman. Nakaka-miss hindi ba? Mga bagay na hindi mo na magawa sa ngayon, dala ng bagong teknolohiya, polusyon at krimen, nawalang parang bula ang mga tunay at makabuluhang kaligayahan para sa mga anak natin at sa mga susunod na henerasyon.
Alam ba ni Jun-Jun o ni Neneng ang mga laro natin noon ha! Daddy, Mommy? Hindi na kailangan, kasi may PSP at Ipod naman siya na laging nakasukbit sa leeg at katabi matulog. Busy siya sa kaka-DOTA kahapon pa. Ayun, magdamag nagpa-party kasama ang boyfriend niya. Inisip mo ba na nagiging-adik na sila sa mga bagay na ito, halos napapabayaan ang pag-aaral sa kaka-download ng mga bagong kanta at kakapuyat na matapos ang new game at Online Gaming. Nalulong sa kung anu-anong bisyo, maagang pagbubuntis, natutong mangupit at magnakaw. Naging bastos sa mga magulang, Hindi lahat, pero marami hindi ba?
Noon, may mga kanya-kanya tayong responsibilidad, si Kuya taga-igib, si Ate taga-hain at hugas ng pinggan, ikaw taga-walis at taga-bunot. Eh ngayon, di mo halos mautusan ang mga anak mo, ikaw pa ang uutusan kamo. O hindi ba?
Eto ang mga generasyon ngayon, paano na ang mga susunod pa? Swerte nga ba sila?
Wednesday, 15 July 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ang lalim mo rin pala mag-isip, pero totoo nga ang entry mo. maraming salamat sa pagpost about nto, pahingi na rin ng mga pinalumaan niyo dyan para makaexperience din ako magplay ng mga ganun, hehehe
ReplyDeletehahaha! how i wish meron din kami nung lahat ng sinabi ko. problema di kayang i-afford mga yun eh. but still thankful pa rin kahit wala mga yun. di man tayo bless sa mga ganun, bless pa rin tayo spritual. and thats the most important thing.
ReplyDeleteKids are so irresponsible now! Opinyon ko lang un ha. Parang hindi gaya ng dati na kanya-kanyang toka ng trabaho sa bahay. At kung natapos mo na ang toka mo, saka ka pa lang pwedeng maglaro.
ReplyDeleteNgayon, may yaya na at katulong ang mga bata.
Ngayon, hindi na trabahong bahay ang kailangang matutunan ng bata kundi paano kalikutin ang mga electronic gadgets na nakapaligid sa kanila.
Pero mas matatalino na sila sa atin unlike when we were at their age, don't you agree?
Maswerte nga ba sila kesa sa atin? Oo at hindi.
I grew in in the company of kids playing chato, patintero, piko, luksong baka, piko, taguan, holen, trumpo, goma at post cards. With limited resources, the kids of our generation learned to harness our imaginations in making wooden guns, trolleys made of bearing wheels, toy cars out sardine and milk cans. They are more creative, savored their childhood life playing outdoor with other kids. The strong ties of camaraderie is build within them.
ReplyDeleteNow, kids play gadgets alone within the four walls of their rooms, being drowned by the contrasting colors of large flat screens beyond their imaginations, in maximum volumes of their sound systems, no sweat and no friends needed. Him and his favorite games 24/7.
Its so sad to say that they didnt have a chance to experienced the things we always do when we were young, but still they can be part of it if you will just share it to them telling them a story or once in their lifetime, let them feel those good memories by allowing and teaching them how to play that we used to do. there still a time.
ReplyDeleteabsolutely swerte sila. though we bought them stuff which is in today, kailangan turuan natin sila nung mga larung nilaro natin nuong mga bata pa tyo.db its fun at walang gastus lahat enjoy pa . i miss that games you mentions. may makikipag laro pa kaya sa akin ng mga larung iyan hahahahaha.
ReplyDeletebago muna mag laro anak ko ng PSP at PS3 ako muna,,hehehe,inabutan ko na kasi Family Computer Panget Graphix,hehehe,pero gusto ko din matutunan nila ung mga laro dati,,,
ReplyDeleteMagandang umaga kaibigan..
ReplyDeleteAko ay mahilig maglaro ng mga sinasabi mo... hindi naman ako nabuntis ng maaga at nauutusan parin naman ako.. Marahil dahil sa alam ko ang aking mga responsibilidad at mga priorities sa buhay...
Marami narin akong nalaro, simula sa tumbang preso, patintero, chinese garter, brick game, family computer hangang sa pinaka uso ngayon.. halos lahat ng bagong series ng final fantasy sa PSP,pokemon silver,black at kung ano pa mang version sa nintendo DS, at oo, pati online games ay kinareer ko na kaibigan...
masaya maglaro lalo na kapag marami ka ng kaibigan sa mga role playing games.. may mga bagay bagay na masasaksihan mo dun katulad ng pilipino at kapwa pilipino nagaaway o kung gaano kalakas magmura ang mga kababayan mo. maraming katangian ng tao ang makikita mo doon, may agresibo, walang paki alam basta level up lang siya, may nagpapaturo ng assignment, may tiga awat sa away at iba pa. Marami silang ipapahayag at ipapakitang karakter ng tao at depende sayo kung mag sisilbi itong aral o join ka nalang sa gulo..
wala naman kasing magagawa ang teknolohiya kung maayos kang napalaki at tinuruan ka ng responsibilidad ng magulang mo... =)
salamat kaibigan sa iyong paalala... patawad kung may mali, sa aking ipinaskil. gaya nga ng sabi ko, hindi lahat pero marami sa atin ang mga nadala sa hindi tamang paraan ng paglaki at pagiging responsibilidad dala ng mga bagong teknolohiya.
ReplyDeleteang sakin ay kwento lang ng aking nakaraan, at ibig lamang paalalahanan mga magulang kung saan-saan, lalo na si tatay at nanay, na wala pareho sa bahay. pag dating ni juan, dutdot dito dutdot dian. kawawang juan lagi na lang naiiwan...
@wahahaha.. salamat poh sa pagbisita kay patola.. wahahahaha.. ang cute.. sobrang makatha.. :D
ReplyDeletehehehe... cheers! ^_^