Sunday, 19 July 2009

Wednesday, 15 July 2009

Swerte nga ba?

Ewan ko, bigla na lang sumagi sa isip ko, swerte nga bang matatawag ang generasyon ng mga bata ngayon? Buti pa sila, may mga tig-iisang PSP, PS3, Gameboy, Nintendo WII, Nintendo DS, Xbox, Laptop, Netbook, Ipod, MP3 & MP4 players, Mobile phones, Digital Camera, Online Gaming (specially), complete set ng Pokemon, Bakugan, Transformers, at kung anu-ano pang mga hi-end at in na mga laruan sa merkado. Nakakaingit nga ba sila?

Daddy, Mommy, nag-isip ka ba bago mo binili ang mga bagay na ito sa kanila? Ako hindi! Basta ako, gusto kong matikman ng mga anak ko ang hindi ko natikman noong bata pa ako. Noon, wala lahat ang mga iyan, tanging laruan at libangan namin ay Siyato, Tumbang-Preso, Luksong-Tinik, Patintero, Taguan, Sipa, Pikó, Holen, Gagamba, Tirador, Lutu-lutuan at bahay-bahayan (ooops! Hehehe, ako ang Tatay ha!) maligo sa ilog, maligo sa ulan at kung anu-ano pa.

Pero napag-isip-isp niyo ba na kahit ganito ang mga pampalipas oras natin noon ay bihira tayong magkasakit at nadala sa ospital? Kahit tulo ang sipon sa ilong habang naglalaro eh! sige lang enjoy naman. Nakaka-miss hindi ba? Mga bagay na hindi mo na magawa sa ngayon, dala ng bagong teknolohiya, polusyon at krimen, nawalang parang bula ang mga tunay at makabuluhang kaligayahan para sa mga anak natin at sa mga susunod na henerasyon.

Alam ba ni Jun-Jun o ni Neneng ang mga laro natin noon ha! Daddy, Mommy? Hindi na kailangan, kasi may PSP at Ipod naman siya na laging nakasukbit sa leeg at katabi matulog. Busy siya sa kaka-DOTA kahapon pa. Ayun, magdamag nagpa-party kasama ang boyfriend niya. Inisip mo ba na nagiging-adik na sila sa mga bagay na ito, halos napapabayaan ang pag-aaral sa kaka-download ng mga bagong kanta at kakapuyat na matapos ang new game at Online Gaming. Nalulong sa kung anu-anong bisyo, maagang pagbubuntis, natutong mangupit at magnakaw. Naging bastos sa mga magulang, Hindi lahat, pero marami hindi ba?

Noon, may mga kanya-kanya tayong responsibilidad, si Kuya taga-igib, si Ate taga-hain at hugas ng pinggan, ikaw taga-walis at taga-bunot. Eh ngayon, di mo halos mautusan ang mga anak mo, ikaw pa ang uutusan kamo. O hindi ba?

Eto ang mga generasyon ngayon, paano na ang mga susunod pa? Swerte nga ba sila?

Saturday, 11 July 2009

The Beginning

The title "perlas na bilog" (a round pearl), but I removed the "i" since this is a blog. It was named after manang bola, a fortune teller character of Batibot (educational tv program in tagalog) whose always saying "perlas na bilog, wag patulog-tulog.ba be bi bo bu." while scratching her big pearly ball.

I designed my header like these because the pearl symbolizes the Philippines, Pearl of the Orient. I put the Philippine flag because I want to dedicate this blog to my fellow citizens and fellow ofw (overseas filipino workers).

About my cool slogan "tot ko, tot mo, bawal ang maban-tot dito." means "my thoughts, your thoughts, bad thoughts are prohibited" really makes me laughs, because if you broaden the word "mabantot" it will lead you to "fart".

It is truly fun and educational when you are in the blogosphere. you'll learn something from each story of a blogger.

it can ease your stress from work.
it can make you smile when you're feeling sad.
it can give you comfort when you're feeling alone.
it can give you strength when you're feeling weak.
it can give you fun when you're feeling bored.
it can lead you into light if you're in the dark.
it can widen your perspective if you're feeling dumb.
it can make you someone since you're the only one. lols!

so this is the beginning but it's not the ending. I hope you keep on reading for me to keep on posting. Hopia like it!