I just want to share an email from a friend that will definitely teach us a lesson.
While a man was polishing his new car, his 4 yr. old son picked up a stone and scratched lines on the side of the car.
In anger, the man took the child's hand and hit it many times; not realizing he was using a wrench.
At the hospital, the child lost all his fingers due to multiple fractures.
When the child saw his father... with painful eyes he asked, 'Dad when will my fingers grow back?'
The man was so hurt and speechless; he went back to his car and kicked it a lot of times.
Devastated by his own actions...sitting in front of the car he looked at the scratches;
The child had written 'I LOVE YOU DAD'.
The next day that man committed suicide…
Anger and Love have no limits; choose the Love to have a beautiful, lovely life.
Things are to be used and people are to be loved, but the problem in today's world is that,
“People are used and things are loved.”
Let's be careful to keep this thought in mind:
"Things are to be used, but People are to be loved".
Be yourself... This is the only day we HAVE. Make it a great day!
Watch your thoughts; they become words.
Watch your words; they become actions.
Watch your actions; they become habits.
Watch your habits; they become character.
Watch your character; it becomes your destiny.
Saturday, 31 October 2009
Monday, 26 October 2009
Anong Nangyari?
Ano na nga ba ang nangyari, sa Blog kong napipi?
Matagal na naghilik, matagal na tumahimik.
Di alam ang dahilan ng biglaang pagtigil.
Ngunit huwag mabahala, di ito ang katapusan.
Bagkus ito ang simula ng panibagong kasaysayan.
Maraming naglalaro sa aking isipan,
Ano ang maganda, saan dapat magsimula.
Di pala biro ang blog-blogang ito.
Tiyak na hihinto pag di mo sineryoso.
Dapat tutukan at dapat bantayan,
Araw-araw na kwento ng buhay ni Juan.
Masyadong naging abala sa samut-saring gawain.
Trabaho, pamilya, potograpiya't bayanihan.
Beinte-kwatro oras kulang pa talaga naman.
Paano hahatiin, ako'y tulungan mo kaibigan.
Nais kong lumikha ng makabuluhang blog-blogan
Kung ano man ito, sana'y inyong abangan
Gaya ng sabi ko, hindi ito ang katapusan
Basta't maghintay ka lang at iyong tutukan.
Salamat na muli sa pagbisita mo kaibigan,
Sa munti kong blog na konti pa lang ang laman.
Huwag sanang magsawa at dumaan kung minsan,
Baka sakaling may mapulot na magandang aral.

Monday, 10 August 2009
Let the Magic begin!
I was so busy these past few weeks, daming trabaho sa opisina na walang kabuluhan. haaaay! buhay nga naman. Feeling ko nabubulok na utak ko dahil sa mga amo ko, pero bago mahuli ang lahat kailangang kumilos na.
I joined DFS (Desert Fox Shooters) mga Propesyonal na Litratista para naman di mag stuck-up 'tong engine ko.hehehe. I was so lucky, after so many years trying to find an organization of this kind eh nakatagpo din. Tingnan mo nga naman, nasa tabi ko na pala eh di ko pa nakita. Tsk!
But anyhows, to make the story short, eto nga at isa na akong miembro ng mga Lobos. I'm so thankful to all the members who welcome me. It's so great to be a part of their family. Masaya, maraming matututunan, maraming dagdag kaalaman. At para maging kumpleto ang pagiging Lobo mo, kailangang mag-share ka rin ng talent mo. And this time, I want to share what the Lord just gave me. We will have a seminar regarding "Digital Post Processing" o pagsasaayos ng isang larawan bago pa man ito ilathala o iimprenta. Tinawag ko itong "Photoshop Cosmetics" na kung saan ang isang larawan ay kailangang linisin, pagandahin, ayusin ang kulay, at damitan para sa mas ikagaganda. Narito ang mga halimbawa ng bago at pagkatapos ng pag-eedit gamit ang makapangyarihang Photoshop. Alam kong hindi ako eksperto sa larangang ito, ganun pa man, nais ko lang ibahagi ang aking talento para sa ikasasaya ng puso ko. Kung nais ninyong matuto nito ay email nio lang ako o mag-iwan ng isang mensahe sa post na ito. Salamat at nawa'y nagustuhan ninyo.
[Photo A]------------------[Photo B]

Sunday, 19 July 2009
Wednesday, 15 July 2009
Swerte nga ba?
Ewan ko, bigla na lang sumagi sa isip ko, swerte nga bang matatawag ang generasyon ng mga bata ngayon? Buti pa sila, may mga tig-iisang PSP, PS3, Gameboy, Nintendo WII, Nintendo DS, Xbox, Laptop, Netbook, Ipod, MP3 & MP4 players, Mobile phones, Digital Camera, Online Gaming (specially), complete set ng Pokemon, Bakugan, Transformers, at kung anu-ano pang mga hi-end at in na mga laruan sa merkado. Nakakaingit nga ba sila?
Daddy, Mommy, nag-isip ka ba bago mo binili ang mga bagay na ito sa kanila? Ako hindi! Basta ako, gusto kong matikman ng mga anak ko ang hindi ko natikman noong bata pa ako. Noon, wala lahat ang mga iyan, tanging laruan at libangan namin ay Siyato, Tumbang-Preso, Luksong-Tinik, Patintero, Taguan, Sipa, Pikó, Holen, Gagamba, Tirador, Lutu-lutuan at bahay-bahayan (ooops! Hehehe, ako ang Tatay ha!) maligo sa ilog, maligo sa ulan at kung anu-ano pa.
Pero napag-isip-isp niyo ba na kahit ganito ang mga pampalipas oras natin noon ay bihira tayong magkasakit at nadala sa ospital? Kahit tulo ang sipon sa ilong habang naglalaro eh! sige lang enjoy naman. Nakaka-miss hindi ba? Mga bagay na hindi mo na magawa sa ngayon, dala ng bagong teknolohiya, polusyon at krimen, nawalang parang bula ang mga tunay at makabuluhang kaligayahan para sa mga anak natin at sa mga susunod na henerasyon.
Alam ba ni Jun-Jun o ni Neneng ang mga laro natin noon ha! Daddy, Mommy? Hindi na kailangan, kasi may PSP at Ipod naman siya na laging nakasukbit sa leeg at katabi matulog. Busy siya sa kaka-DOTA kahapon pa. Ayun, magdamag nagpa-party kasama ang boyfriend niya. Inisip mo ba na nagiging-adik na sila sa mga bagay na ito, halos napapabayaan ang pag-aaral sa kaka-download ng mga bagong kanta at kakapuyat na matapos ang new game at Online Gaming. Nalulong sa kung anu-anong bisyo, maagang pagbubuntis, natutong mangupit at magnakaw. Naging bastos sa mga magulang, Hindi lahat, pero marami hindi ba?
Noon, may mga kanya-kanya tayong responsibilidad, si Kuya taga-igib, si Ate taga-hain at hugas ng pinggan, ikaw taga-walis at taga-bunot. Eh ngayon, di mo halos mautusan ang mga anak mo, ikaw pa ang uutusan kamo. O hindi ba?
Eto ang mga generasyon ngayon, paano na ang mga susunod pa? Swerte nga ba sila?

Subscribe to:
Posts (Atom)